Arthea Arese Sunico Quesada
hindi kailangan pagbantaan, kung matagal mo nang dinisisyonan; hindi kailangan pahirapan, kung matagal mo nang sinasaktan; hindi kailangan sabihing 'Ayoko magkaanak!' kung ayaw mong ligawan; hindi kailangan sabihing 'nakita ko na soulmate ko,' kung nais mong tumuloy magkumbento; hindi kailangang sabihing 'basta! hindi mo kaya,' kung wala kang binigay na pag-asa; hindi kailangang sabihing 'just being yourself is enough,' kung marami kang nakitang kapintasan; hindi kailangang sabihing 'a friend waits forever,' kung ang ibig mo ay 'there is nothing to wait for.' hindi kailangang sabihing 'i want to keep you as a friend,' kung ako pala ay tatanggalin mo; hindi kailangang sabihin "pine-prepare kita para 'di masaktan," kung totoong tungkol sa akin wala kang alam. hindi ko kailangang ipaliwanag, ang matagal mo nang alam; hindi kailangang unahan ang aking sasabihin, kung may balak pakinggan ang aking damdamin; hindi 'i love you' ang sasambitin ko kung 'yon ang inaasahan mo, sana pinatapos mo; hindi kailangang magsinungaling, kung tinatrato mo pa akong tao; hindi kailangang sabihing ayaw sa akin nang ibang tao, kung simula't sapul ayaw mo sa akin mismo; hindi ko linilinlang ang iyong mama, nang ipagtapat ko ang aking nadarama; hindi kailangang magalit, kung puro poot pa rin sa'yong dibdib; hindi kailangang mangako, kung sasadyain itong ipapako; hindi ako nagsinungaling sa'yo, sa lahat! kahit harapan mo akong nadaya; hindi kailangang itanong ang petsa ng ating pagkikita, kung sasabihin mong "it doesn't matter." hindi kailangan pang patagalin, kung ang balak mo noon pa dapat tapusin; hindi kailangang sabihing 'matagal akong nag-soul-searching,' kung iba naman talaga ang hinihiling; hindi kailangang i-enumerate sila isa-dalawa-lima, kung may inililihim na iba; hindi kailangang sabihing 'hindi naman ako preoccupied noon,' kung hanggang ngayon binibilang mo pa rin ang inyong mga taon; hindi kailangang sabihing "kung meron man, ikaw 'yon," kung hindi naman talaga bibigyan ng pagkakataon; hindi kailangang sabihing 'kung noon, magiging iba,' kung kahit noon pama'y siya pa rin ang iyong ninanasa. hindi kailangang pagtakpan, kung naging totoong kaibigan; hindi kailangang pagdiskitahan, kung ako lama'y paglalaruan. hindi ko maintindihan kung bakit ito ang kinauwian, nang isang dating mabuting pagkakaibigan. walang tunggalian. walang pagbabadya. gumuho ang lahat nang bigla. buo ang pagtitiwala ko sa 'yo. at binawi mo ang lahat mismo sa harap ko. mas mabilis pa sa sigwa't ipoipo. isang palabas lang pala ang lahat, para sa kanya. upang ang isang dating trahedya ay maging ganap na bagong romansa. at ako naman ang naging maskara. sana sa anim na taong pagbabalatkayo nabusog ka sa naiambag ko. mainam akong kasanggapan, alam mo! dahil lahat 'yon galing sa kaibuturan ng dibdib ko. maging alamat sana ang istorya nating ito. isang palabok sa mga komedya at kuwento-kuwento. hindi 'i love you' ang sasabihin ko. napakadaling sabihin ang galing sa ilong. ang mga banal na salita 'di sa dila nagmumula. 'di hinahabi. 'di tinatahi. sila ay nakikita at nadarama. nakita mo ba? nadama mo ba? wala lang. hindi dapat magseryoso sa palabas? sa puso nag-uugat ang lahat nang ginagawa. taos. pinupunla. ang mga salita ko, pinaninindigan ko! isa lang ang nagbigay kulay sa buhay ko. isa lang ang babae na gusto ko. isa lang ang nakilala kong ganito. at sa isa lamang ako nagkakaganito. at kahit harap at likod akong linoloko, ang puso ko laging sa 'yo. Siya nawa.
Arthea Arese Sunico Quesada
Arthea Arese Quesada
Arthea Arese
Arthea Quesada